Naging inspirasyon ng bawat mangingisda ang gabay na kanyang isinulat at ngayon ay ilalahad ko naman ang buhay ng isang mangingisda.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The beginning:
Depende kung anong klase ng istilo ng pangingisda ang gagawin ng isang mangingisda, pero kadalasan nag-uumpisa ito sa simpleng text, chat, like o pag-comment sa status ng isda. Malalaman mo na ang isang mangingisda ay bagong huling isa kung:
- Ang cellphone nya ay laging tumutunog. At twing magtetext ay nakasmile
- Mapapansin ng ibang mangingisda na may bagong pangalang sinusundan ng madalas ang mangigisda sa facebook or kung saan mang social networking site.
Pagkalipas ng ilang araw o linggo dito ang maswerteng mangingisda ay mag-aaya na ng inuman sa bahay nila Jonas. Pagkaubos ng ilang bote mag-iiba na ang pwesto ng upuan at maya-maya lamang ay unti-unti ng magkukwento ang mangingisda sa katabi nya tungkol sa buhay nya o kung hindi naman naman ay meron ng starter ng topic pero ang kadalasang sagot ng maswerteng mangingisda ay:
- "Nakita nyo pa yun pre"
- "Mamaya na, pag lasing na ako"
- "Uy, gago hindi ah."
Kalaunan kapag lasing na ayun dun na magsisimula ang pagkukwento, kung baga ay start ng ng so called "Heart to heart" session ng mga mangingisda.
Lilipas ang ilang buwan, taon na twing may inuman ang mga mangingisda laging continue topic lang o may bago ng topic.
Ang ganitong pangyayari ay paulit-ulit lang depende kung may bagong update
The TragedyAng bahaging ito ay hindi na dapat pang pahabaain, sapagkat ito ang bahagi kung saan ang mangingisda ay nagdurusa at may mabigat na pinagdaraan. Depende sa mangingisda kung ano ang kanyang coping mechanism pero madalas laging "Denial" hangang wala ng pag-asa at susuko nalang.
The End:
Maiisip ng isang mangingisda na marami pa naman dyang iba.
"Malawak ang dagat, at kung ano mang sukat nito ay ganito rin ang dami ng isda rito"
-Unknown
No comments:
Post a Comment